“Aasa ka ba?”
@1 month ago with 533 notes
Alam mo yung pakiramdam na kapag magkasama kayo ang sweet nyo. Pero hindi naman kayo. Yung lagi kayo magkatext, nagtatawagan, naguusap, pero hindi mo maintindihan bakit hindi parin kayo. Yung sweet siya sayo, pero ganun din siya sa iba. Yung minsan malambing, minsan parang wala lang. Yung hindi mo alam kung ano ang meron sa inyo. Yung hindi mo alam kung aasa ka ba o sasakyan mo nalang yung trip niya. Kasi nageenjoy ka din naman. Hindi mo alam kung mahal mo na siya, kasi ayaw mong aminin. Kasi alam mo na kapag minahal mo siya, masasaktan ka lang. Kasi yung nararamdaman mo para sa kanya, hindi naman katulad nung nararamdaman niya para sayo. Kaya maghihintay ka nlang, makikiramdam, aasa na sana kayo na lang. Pero ang masakit yung aasa ka kasi akala mo mahal ka niya, yun pala mabait lang talaga. :|




